Binoe kay Daniel: Siya po ang pangkumpleto sa ‘Bonifacio’!

DANIEL AT ROBIN PADILLA

DANIEL AT ROBIN PADILLA

TODO papuri ang action star na si Robin Padilla sa ipinakitang akting ni Daniel Padilla sa mga eksena nito sa upcoming biopic na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo”, isa sa mga official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Binoe, proud na proud siya sa kanyang pamangkin sa pelikulang ito at naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng Kapamilya Teen King para maipaabot sa lahat ng kabataang Pinoy ang mensaheng nais iparating ng  kanilang pelikula sa film festival.

“Siya ang pangkumpleto kasi ng rekado. ‘Yun din ang sinasabi namin na ibang klaseng paglalahad ng pelikula, ibang klase,” ani Robin sa isang interview.

Siniguro rin ni Robin na mas tataas ang respeto ng mga fans kay Daniel kapag napanood na nila ang kabuuan ng “Bonifacio” simula sa Dec. 25.

DJ will play a young man in the movie na nag-aaral ng buhay at kamatayan ni Andres Bonifacio.

“Napakaimportante po ng role ni Daniel sa pelikula. Siya ang nagre-represent ng gusto naming malapitan, ng buong produksyon na ito, na ginastusan namin ng mga pera namin. Siya ang nagre-represent ng mga kabataan na gusto naming marating ang mensaheng ito,” ani Binoe.

“Bonifacio: Ang Unang Pangulo” is directed by Enzo Williams, kung saan kasama rin sina Jericho Rosales, Eddie Garcia, Jasmine Curtis-Smith, Vina Morales at marami pang iba.

Samantala, ngayong darating na Nov. 30, Bonifacio Day, samahan ang buong cast ng nasabing MMFF entry sa paggunita at pagdiriwang ng kabayanihan ni Andres Bonifacio. Isang malaking selebrasyon ang ihinanda ng produksiyon ng “Bonifacio” para sa espesyal na araw na ito.

Kaya sugod na mga kapatid sa Bonifacio Monument Circle (Monumento) sa Caloocan ngayong darating na Linggo, 8 a.m., pangungunahan ni Binoe ang flag raising ceremomy ng nasabing okasyon. Susundan ito ng mga palaro at contest sa “Tatag Bonifacio, Tatag Revicon” program.

Saya at kantahan naman ang hatid sa mga makakilahok sa idaraos na “HIMIG-sikan: A Concert for Bonifacio”, sa ganap na 4 p.m.. Tiyak na mapapa-sing along ang lahat sa mga hits ng award-winning songwriter-rapper na si Gloc9. Dito rin unang maririnig ang kantang “Hindi Pa Tapos” na isinulat ni Gloc9 para sa pelikulang “Bonifacio”.

Makakasama rin dito ni Binoe sina Vina, Jasmine, RJ Padilla at Rommel Padilla na kasama rin sa cast. Bukas ang event na ito para sa lahat ng mga Pinoy. Para sa mga updates, i-follow lang ang “Bonifacio” sa facebook.com/bonifacioangunangpangulo.

Read more...