SUPORTADO raw ni Charlene Gonzales ang planong pagtakbo ni Aga Muhlach bilang congressman sa 4th District ng Camarines Sur.
Pero may “kundisyon” daw ang TV host sa kanyang asawa sa pagpasok nito sa mundo ng politika.
Ayon kay Aga, hindi naman daw siya dini-discourage ni Charlene sa pagtakbo sa susunod na eleksiyon, siyempre, susuportahan daw siya ng kanyang misis kung anuman ang magiging desisyon niya.
“Sa kanya naman…sinasabi niya, ‘Whatever will make you happy.’ Ang sinabi niya sa ‘kin, ‘If you do run, in case you decide to run,’ ano, sabi niya lang, ‘Please,’ sabi niya talaga, ‘Please make sure that you do good.
“‘Para you give to them what’s theirs’…yun lang talaga ang request niya sa akin,” ayon kay Aga sa interview sa kanya ng Paparazzi ng TV5.
Kamakailan ay nagpa-register na si Aga bilang botante sa San Jose, Camarines Sur, pabalik-balik na raw siya sa nasabing lugar dahil tagaroon naman daw talaga ang kanilang pamilya.
Hindi man diretsahang sinagot ni Morning kung totoong tatakbo siyang kongresista roon, parang du’n na rin patungo ang kanyang mga pahayag.
“Well sa politics tinitingnan ko talaga siya. You know, taga-Bicol kami.
Madalas nga ako du’n. Tinitingnan ko. Why all of a sudden? Bakit parang gusto ko siya?
“Siguro yes, it’s parang stage sa buhay natin na all of a sudden you just want to do something.
Ayoko namang sabihin na, ayoko namang parang cliche na, ‘I want to help.’
“Ang point ko lang kasi yung pagtulong. Feeling ko lang puwede mo talagang tumulong.
And when that happens, masaya yung tao.
Pag masaya kasi yung tao, ang sarap ng feeling para sa yo na kapag lumalakad ka dun, pinagmamalaki nila yung pangalan mo,” paliwanag pa ni Aga.
Dagdag pa ng aktor, hindi naman daw siya magku-quit sa showbiz kung sakaling manalo siya sa halalan, “Of course not.
Kasi sabi ko nga hindi naman tayo, kailangan pagbibigyan nila ako dun kasi naghahanap-buhay ako.
Ang politiko naman hindi paghahanap-buhay yan.
“Kumbaga hindi ko na paghahanap-buhayan yan, ibig sabihin pera ng tao yan,” chika pa ni Aga.