BELO binabawi raw ang mga relo ni HAYDEN

Umabot daw sa P30-M ang naibigay na mga regalo

HOW true na binabawi raw ni Dra. Vicki Belo ang ilang regalo na ibinigay niya kay Hayden Kho?

Ang mga mamahaling relo raw na nagkakahalaga lahat ng more than P30 million ang hinahabol ngayon ni  Belo sa kanyang ex.

Isang friend raw ang sinabihan ni Dra. Belo ng kanyang predicament. Gusto nga niyang mapasakanya muli ang mga iniregalong mamahaling relo kay Hayden.

At kaya raw ganoon kalaki ang halaga ng lahat ng timepieces na ‘yon ay puro kasi signature watches ang mga ito.

Alam n’yo naman siguro kung gaano kagalante itong si Dra. Belo sa kanyang dyowa, ‘no! As in talagang ang ibinibigay niya sa kanyang “baby” ay talagang ang pinakamahal.

Ang tanong, isauli naman kaya ni Hayden ang mga relong iniregalo sa kanya kung saka-sakali?
Kung ako kay Hayden ay hindi ko isasauli ang mga watches.

Not for anything else, ibinigay iyon in good faith noong magkarelasyon sila bilang tanda ng kanilang pagmamahalan tapos hihingin uli?

That is, kung totoo ngang binabawi ni Dra. Belo ang mga relo, ha?

Baka kasi may gusto lang gumawa ng issue ngayong tahimik na ang kapaligiran sa pagitan ng dating lovebirds.

Read more...