VIC, PAULEEN sweet na sweet sa US

Talagang hindi na raw sila mapaghiwalay 

Ang mga artistang nasa USA ngayon for some shows ay balitang-balitang enjoy na enjoy ngayon doon dahil sa kanilang mga side trips.

Ang mga Star Magic talents ay bonggang-bonggang inabangan at pinanood ng mga kapwa Pinoy at pati na rin ng ibang mga lahi sa mga shows nila sa Hawaii, San Francisco, Chicago, San Diego at sa iba pang estado ng Amerika.

At gaya ng naiulat na natin, karamihan sa kanila ay doon na magbabakasyon ngayong Lenten season.

Magpapaiwan pa nga ang ilan sa kanila para mag-extend ng kanilang stay like Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, pati na rin sina Gerald Anderson at Rayver Cruz.

Bongga rin ang tsikang pinagkakaguluhan kahit saan magtanghal ang dabarkads ng Eat Bulaga sa pangunguna ni bossing Vic Sotto.

Hit na hit sina Jose Manalo at Wally Bayola roon dahil nasa YouTube na nga ang karamihan sa mga acts nila including those of their Araneta Coliseum concert antics.

Pero ang gusto naming intrigahin kapatid na Ervin ay yung tsikang hindi nga nag-iiwanan (read: laging magkasama kahit saan) umano sina Bossing at Pauleen Luna.

Well, tiyak na may mas bonggang mga litrato, balita at intriga ang mga kapatid natin sa panulat na nakasama nila sa naturang tour, habang nagpapasalamat naman tayo kay Thess Gubi ng Star Magic dahil sa pagbibigay niya sa atin ng updates sa Star Magic tour though may ilan sa kanila ang nakaka-direct message namin sa Twitter.

Yun nga lang, may pakiusap ang ilan sa kanila ng huwag na huwag muna naming isusulat ang mga pinaggagagawa nila roon. Ha-hahaha!

Read more...