JAKE CUENCA matindi ang galit kay LOVI POE?

Sino nga kaya ang lihim na kaaway ni Jake Cuenca?

Kamakailan ay naging issue ang mga messages niya sa kanyang Twitter account, kabilang na nga diyan ang pagbanggit niya ng salitang karma na ngayon daw ay alam na alam na niya ang meaning.

May nagpapalagay na baka raw si Lovi Poe ang tinutukoy ng Kapamilya aktor.

Sa nakaraang presscon cum special preview na ibinigay ng ABS-CBN para sa afternoon series na Kung Ako’y Iiwan Mo na pinagbibidahan nga ni Jake kasama sina Shaina Magdayao at Bangs Garcia, sinabi niyang wala raw itong kinalaman sa lovelife.

“Sometimes nagiging release ng emotions ang Twitter pero that’s nothing serious. Sa akin naman kasi alam mo ‘yun? Pag stressed-out ka, kailangan mong mag-vent.

Although natutunan ko na parang, I don’t wanna do that anymore, ang daming nagre-react, so parang ayoko na.

“Siyempre sa schedule ng artista and I work almost every day, I work on several projects, pag-uwi mo sa bahay medyo stressed-out ka na.

Tao lang naman ako, puwede naman akong ma-stress, ‘di ba?” pahayag ni Jake.

So, walang kinalaman dito si Lovi Poe na nali-link noon sa kanya? “No, it’s my family. Sa akin naman I’m always very open with my personal life.

I’d rather not keep anything secret kasi siyempre ‘pag magtatago ka din naman mahirap.

If there’s something up with my love life, you guys would be the first to know – maniwala kayo sa akin!

“For me, like what I said, my sked is really booked now.

Di ko madalas nakikita ang pamilya ko so you know sometimes I wanna sleep in my house, or sa bahay ng parents ko.

Basta right now I’m dating, I’m single and dating and that’s it.

Regarding Lovi-Ronald (Singson),  I’m not gonna say anything about that,” chika pa ng hunk actor.

Anyway, napanood na nga namin ang pilot week ng Kung Ako’y Iiwan Mo, at grabe rin ang effect nito sa amin – as in relate na relate kami sa kuwento nito dahil nga kami’y anak din ng isang OFW.

Nagpunta rin sa Saudi Arabia ang aming ama kung saan siya nagtrabaho ng napakaraming taon.

Sa first week, ang tagisan ng acting nina Boyet de Leon, Phillip Salvador, Sandy Andolong at Gloria Diaz ang inyong masasaksihan, pati na rin ang mga magagaling na bagets na sina Paul Salas at Mariel Pamintuan na gumanap bilang . young Jake and young Shaina.

Magsisimula na ito sa April 16 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Read more...