Daniel ayaw ligawan si Kim; pero nag-promise dito sa Pilipinas magpapakasal at hindi sa Brazil

daniel matsunaga
Magkaibigan lang daw sina Daniel Matsunaga at Kim Chiu, kaya wala siyang balak na ligawan ang dalagang aktres sa ngayon.
Ito ang sinabi ng Japanese-Brazilian model kay kuya Boy Abunda sa kanyang late night show sa ABS-CBN.

Nang tanungin kasi siya kung posible bang makipag-date siya kay Kim, ang naging sagot nito ay, “Super bait siya, lalo na sa shooting (ng pelikulang Past Tense), we see each other three to four times a week, at maganda siya talaga.

And she’s very vocal na sinuportahan niya ako sa PBB, hindi ko nga alam, kaya nagulat ako that she was campaigning pala for me. Pero friends kami.”

Naghahanap pa rin daw siya until now ng girlfriend dahil after his last relationship, medyo naging choosy na raw siya sa mga babae. He said, gusto raw niya na ang susunod niyang dyowa ay siya na ring magiging asawa niya, ayaw daw kasi niya ng papalit-palit pa ng karelasyon.

Nang tanungin siya ni kuya Boy kung saan siya magpapakasal, kung sa Pilipinas ba o sa Brazil, “Here in the Philippines, I really prefer to get married here.”

Read more...