Naghahanap ng boyfriend

Sulat mula kay Josielyn ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
SA darating na December 16 ay magtu-21-years-old na po ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin po ako nakakaranas na makipag-nobyo. Samantalang may kanya-kanya na pong boyfriend ang mga pinsan at kaibigan ko. Kaya sana sa Pasko man lang darating, pinakaregalo n’yo na rin po sa akin sa birthday ko ay malaman ko kung magkaka-boyfriend na ako bago matapos ang taon o sa 2015.
Ano po ba sa palagay n’yo, magkaka-boyfriend na kaya ako at ano ang initial ng kanyang pangalan at ano ang zodiac sign? December 16, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Josielyn ng  Pampanga
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Ikaw ang Queen of Spades, larawan ng isang babaeng nalulungkot, ngunit pagsapit ng Disyembre, ang Ace of Hearts at Jack of Clubs ang nagsasabing, bigla kang magkaka-boyfriend at magiging “happy.” (Illustration 1.).
Palmistry:
May kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. ) sa iyong palad. Maliwanag na tanda na kung sino ang unang magiging boyfriend mo, malaki ang tsansa na siya na rin ang magiging last—ang makakatuluyan mo at makakasama  sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Itutuloy

Read more...