Wish ni Boy sa Pasko: Sana magkabati na sina Kris at Ai Ai

boy abunda
Isa sa mga Christmas wish ng award-winning TV host na si Boy Abunda ay ang magkabati na sana ang mga kaibigan niyang sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas.

Ayon kay tito Boy, siya na siguro ang isa sa pinakamaligayang tao sa mundo sa darating na Pasko kung mulign magkakaayos ang dating mag-friendship na sina Ai Ai at Kris.

“Wish ko, peace and prosperity. And love. Sino ba naman ang hindi magdadasal na sana ay magkaayos-ayos ang magkakaibigan? That’s one of my prayers talaga,” ani tito Boy.

Marami naman ang umaasa na sana’y magkabati ang dalawa sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes – isa sa mga ninang si Kris sa wedding habang tatayong abay naman ang Comedy Queen.

Read more...