Piolo napahiya sa pagkakamali ni Inigo sa 2014 Star Awards for TV

piolo pascual
DREAM come true ang pagkakapanalo ni Kim Chiu ng kauna-unahan niyang acting award sa katatapos lang na Star awards for Television ng Philippine Movie Press Club last Sunday.

Matagal na raw niyang pangarap ang ma-recognize ang kanyang pag-arte ng award-giving bodies pero tila mailap sa kanya ang karangalan. Sa sobrang kasiyahan ay ‘di niya napigilang umiyak during her acceptance speech.

Gaya nang naisulat namin before kung ano pa ba ang mahihiling ni Kim ngayong mayaman na siya, may magandang career at steady lovelife (steady lovelife daw, o?). Sagot niya – ang magkaroon ng acting award.

“Eto na! Natupad na, may (acting) award na ako,” sabi ni Kim pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang award sa stage.
Feeling complete na raw siya  bagaman wala na ang kanyang ina na isa sa inalayan niya ng kanyang trophy.

Habang nag-i-speech si Kim sa stage, naaliw naman kami sa itsura nina Piolo Pascual at Enchong Dee na tuwang-tuwa rin na pinapanood si Kim habang nakasandal sa kahoy sa harap na harap ng ibaba ng stage.

Kasama ni Kim sina Papa P at Enchong plus Iza Calzado bilang hosts ng  awards night. Speaking of Papa P, kakatuwa rin na makita na magkasama na sila ngayon ng anak niyang si Iñigo Pascual na um-attend ng Star Awards.

Cute ng eksena nu’ng maging presenter ng award si Iñigo on stage kasama ang kanyang “piggy” na si Sofia Andres at nakaupo naman sa ibaba ng stage si Papa P.

Hindi nakarating ang winner in one of the categories na binasa ni Iñigo. So, they have to accept the award in behalf of the winner. E, nagkamali si Iñigo ng sasabihin.

Hayun, kitang-kita si Papa P na napakamot ng ulo habang nakangiti. But this time, si Iñigo ang nanalong Male Star of the Night na dating ina-award kay Papa P, huh!

In fairness, mas maganda at mukhang mamahalin talaga ang suot na suit ni Iñigo kesa kay Papa P. Ha-hahaha! Twice na namin nakita si Iñigo na nakaterno at walang duda na alagang-alaga siya sa mga isinusuot niya.

Malamang, ikinuha siya ni Papa P ng sariling stylist. Tingin nga namin, mas vanidosa pa itong si Iñigo kesa sa kanyang ama. Aba, e, all throughout the night na napapalingon kami kay bagets, parating may inaayos sa kanyang suot at conscious na conscious sa kanyang hitsura.

First time ni Iñigo Pascual na um-attend sa Star Awards kaya naintindihan namin kung may kaba factor sa kanya especially when he saw na sandamakmak talaga ang mga sikat na artistang nakakalat sa grand ballroom ng Solaire.

Backstage, tinanong namin si Iñigo what happened to him at nataranta siya sa mga sasabihin niya for accepting the award in behalf of the winner.

Sabi niya, nag-mix na raw sa isip niya kung ano ‘yung unang sasabihin niya between “winner” and “award.” But that’s okey, we told him. Understandable naman ‘yon na kahit ‘yung mga sanay na nga na tumatanggap ng award ay nawiwindang din sa mga sasabihin nila.

Then, we asked him again kung nandito ba siya sa Pilipinas sa susunod na Star Awards sa March, 2015. Tiniyak niya sa amin na nandito raw siya sa panahon na ‘yan.

After the holidays, babalik daw ulit siya ng Pinas. Sa US magpa-Pasko at Bagong Taon si Iñigo kasama ang papa niya at relatives doon. Pagbalik niya sa January, magi-stay daw siya rito until September dahil umpisa na ulit ng school year sa US.

Habang nandito, ‘di naman daw siya titigil sa pag-aaral. In fact, naka-neroll daw siya online. Kaya siguro pinayagan din siya ni Papa P na mag-stay pa sa Pilipinas.

Anyway, after his launching film na “Relaks It’s Just Pag-Ibig”, for the first time naman ay mapapanood siya ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Makakasama niya sa episode na ito si Julia Barretto kung saan gagampanan nila ang mga karakter nina Karen at Christian.
Kuwento ito ng isang babaeng itinago ang tunay na nararamdaman sa kaibigan niyang lalaki, ang tanging sumbungan niya ng kanyang feelings ay ang kanyang diary.

Makakasama nina Julia at Iñigo sa kanilang first TV team-up sina Epi Quizon, Arlene Muhlach, Claire Ruiz, Ina Estrada, Celine Lim  at Trina Legaspi, sa direksyon ni Raz dela Torre. Ngayong Sabado na ‘yan, 7:15 p.m..

Read more...