Ai Ai: Yes, magma-migrate na ako sa Amerika!
Magma-migrate na si Ai Ai delas Alas sa Amerika. Ito ang kinumpirma ng Comedy Queen sa naging panayam ng The Buzz last Sunday.
Ayon kay Ai Ai, isa sa mga rason kung bakit niya gagawin ito ay dahil nais niyang makasama nang matagal ang kanyang mga anak na doon na nakatira para magtapos sa pag-aaral.
“Oo, magma-migrate ako, pero yung mga dates, aayusin ko pa rin. Kasi, marami nga akong gagawin next year, dahil 25 years ko (sa showbiz). Kung kailan, hindi ko pa alam,” pahayag ng Comedy Queen.
Sey ni Ai Ai, sana raw ay maintindihan ng madlang pipol ang kanyang desisyon dahil kailangan niya talagang bigyan ng sapat na oras ang mga anak niyang sina Sophia at Nicolo.
“Opo, ang dalawa kong anak, doon na nakatira at kailangan kong dalawin every time,” aniya pa. Ang eldest son ni Ai Ai na si Sancho ay nasa Pilipinas ngayon at nakatakda na rin daw mag-artista anytime soon.
Sa tanong kung maligaya ba siya sa buhay niya ngayon kasama ang kanyang 20-year-old boyfriend na si Gerald Sibayan, sagot ng komedya, sobra-sobra ang happiness niya dahil sa kanyang dyowa.
Marami ang nakakapansin na mas bumata at mas gumanda ngayon si Ai Ai, “Sabi nila, Law of Osmosis. Ano raw, yung kapag meron kang ano…siyempre, ayoko namang i-brag.
“Kapag meron kang karelasyon na medyo mas bata sa ‘yo, o huwag na tayong magpakaplastik, hindi medyo – talagang bata! Napaka-thankful ko kay Lord na binigyan Niya ako ng ganoong chance na maging maganda pa rin at this age.
“Kahit hindi magandang-maganda, yung fresh na lang. Yung inner peace, talagang thank you, Lord, sa lahat,” litanya ng Box-Office Queen.
Dagdag pa niya sa relasyon nila ni Gerald, “Pinag-pray ko ‘to. Hindi naman siya yung talagang ano ko, nakipag-date rin naman ako sa kanya before. Sabi ko kay Lord, ‘Sana bigyan Niyo naman po ako ng ganito…’ Nakalimutan ko yung edad.
Pero swak sa lahat, e. Nakalimutan ko yung age. Yung sana medyo kaedad ko, pero okey naman din.” Maayos din daw ang relasyon niya sa mga magulang ng bagets niyang boyfriend, “Okey naman, basta sila, sinasabi nila palagi kay Gerald na, ‘Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.