Joey de Leon, Mike Enriquez inaayos na ang programa ni Willie sa GMA 7

joey de leon
Good to hear from Joey de Leon mismo na there is a strong possibility that Willie Revillame will become a Kapuso.Joey shared on Eat Bulaga na tinatrabaho nila ni Mike Enriquez ang pagbabalik ni Willie sa telebisyon at baka mangyari ito sa Siyete.

Sinasabing ang 5 p.m. to 6:30 p.m. bago mag-24-Oras ang posibleng  maging timeslot ng show ni Willie. “Sabi ko nga nilalakad ko sa Channel 7 yung alas-singko gawin nang Wowowee, hanggang bago mag-news,” says Joey na ang tinutukoy ay ang newscast ng GMA na 24 Oras.

He added, “Kami ni Mike Enriquez medyo inaayos namin. Maganda ‘yan, Channel 7, 5 to 6:30, Wowowee tapos 24 Oras. Iba yang kumpare natin, e.”

Actually, marami na ang naghihintay sa pagbabalik ni Willie sa telebisyon. After some kinks in his rumored return ay baka naman matuloy na siya ngayon sa GMA 7.

And when it materializes, tiyak na magiging hit siya. Aminin man ng detractors ni Willie o hindi, meron pa rin namang matinding followers ang TV host.

It’s nice to know na si Joey pa ang nagiging tulay sa pagbabalik ni Willie sa telebisyon. Let bygones be bygones ang naging drama nila matapos magpakumbaba ni Willie years back.

I still remember nu’ng dinalaw pa ni Willie sa isang show si Joey para lang ibandera sa buong mundo na okay na okay na sila.

Read more...