Napaka-challenging daw talaga ng role ni Carla sa “Shake Rattle & Roll XV”, sila ni Dennis Trillo ang bibida sa “Ulam” episode kung saan kinailangan nilang tibayan ang kanyang sikmura dahil talagang nakakadiri raw ang mga eksena nila rito, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.
“Sabi ko nga, sorry sa lahat ng mga manonood, hindi ko alam kung makakakain pa sila nang maayos kapag napanood nila ang episode namin nina Dennis. Ang hirap din ng ginawa namin dito, dahil bukod sa prosthetics na kinakabit sa amin, challenge rin ‘yung kaharap mo mga butiki.
“Kasi may eksena rito na dapat sarap na sarap kaming kumain kahit may mga butiki du’n sa plate. Imagine, kahit na diring-diri ka sa tunay na buhay, kailangang ipakita mo sa camera na sarap na sarap ka!” kuwento ni Carla nang makachika ng mg reporter sa presscon ng “SRR XV”.
Ibang-iba ito sa ginawa niyang episode last time sa “SRR”, ‘yung “Punerarya” kung saan puro bangkay naman ang naka-encounter niya.
Nagkakaisa naman ang lahat ng bida ng “SRR 15” na ito na yata ang pinaka-nakakatakot, pinakamadugo at pinaka-nakakadiring “Shake Rattle & Roll na ginawa nina Mother Lily at anak nitong si Roselle Monteverde. Kaya sinisiguro nilang hinding-hindi mabibigo ang mga manonood kung ultimate horror-suspense experience ang kanilang hinahanap sa Pasko.
Bukod sa “Ulam” episode, nandiyan din ang “Ahas” nina Erich Gonzales at JC de Vera, kung saan gaganap na kambal si Erich – bilang isang tao at isang pumapatay na ahas sa direksiyon ni Dondon Santos; at ang “Flight 666” nina Lovi Poe, DanielMatsunaga, John Lapus at marami pang iba, directed by Perci Intalan. Tungkol ito sa isang madugong hostage taking sa erolano kasabay ng pag-atake ng isang halimaw na sanggol.