Jed Madela dedma na lang sa mga kanegahan

JED MADELA

JED MADELA

SA totoo lang, hindi naapektuhan ang sales ng concert ni Jed Madela mamayang gabi sa Music Museum ng mga intrigang ibinabato sa kaniya lately. As in selling like hotcakes pa ang show na ito – even before the negativity came about.

And to this day, marami pa rin ang nagtatanong kung meron pa raw bang mabibiling tickets sa “All Requests 3” concert ni Jed. Bongga, di ba?

Tahimik na si Jed about all these issues. Actually, that’s the best way to handle that. Hindi na kailangang komprontahin pa ang mga ito – no win siya pag pumatol pa siya to the highest level. Kaya hayun, nagku-concentrate na lang si Jed sa kaniyang music instead of fighting them.

Michael Pangilinan, the newest concert heartthrob, is one of Jed’s very special guests tonight. Michael is coming from Butuan, Maguindanao (tama ba ang geography ko Roel Caba of the Philippines?) at tatakbo muna siya sa taping ng Walang Tulugan ni Kuya Germs in the afternoon bago siya sasalang sa show ni Jed tonight. Don’t know lang kung may showdown na gagawin sina Michael and Jed – siyempre pag biritan, huwag nang mag-ilusyon si Michael at lalamunin siya nang buhay ni Jed pero kung palakasan sa presence sa stage, baka puwedeng makisabay si Khel, di ba mga Ineng? Ha-hahaha!

The past two “All Requests” shows ni Jed ay full-packed din. Grabe ang following niya talaga – yung mga mahihilig sa music ay hindi talaga puwedeng linlangin ng kahit anong bad publicity. Kasi nga, through music lang sila nadi-distress.

Knowing how good Jed kasi as a performer kaya wala silang paki sa kung anumang ibinabatong issues kay Jed. That’s good to know. Kaya congrats, Jed Madela. Ikaw na talaga!

Read more...