Kapatid ni Kim na nilalandi ni James Reid may anak na?

JAMES REID

JAMES REID

Boto kaya si Kim Chiu kay James Reid na nagpapa-cute ngayon sa ate niyang si Wendolyn Chiu?

Nag-post kasi itong si Wendolyn sa kanyang Facebook account na may caption na, “Kilig much!!! Ha-hahaha!” kasama pa ang palitan nila ng mensahe ni James.

Base sa message ni James sa dalaga, ipinapaalam nito ang schedule habang nasa Iloilo airport, “I’m at Iloilo airport flying back now then I have 5 am calltime for taping tom.” Na sinagot naman ni Wendolyn ng, “Too bad, ha, ha, ha!”

Dagdag pa ni James, “I’m taking off now, so I should turn off my phone right ms flight attendant? He he (smiling face).” Sagot naman ni Wendolyn, “Yes safe flight, Mr. Reid ha, ha, ha.” Bukod dito ay nag-post din si Wendolyn ng litrato nila ni James na may caption sa itaas ng, “The untold story ha, ha.”

Hindi namin kilala kung sino si Wendolyn kaya ipinagtanong namin siya – ate pala siya ni Kim Chiu.

Hmmmm, mahilig talaga si James sa chinita dahil ganito rin ang mata ng ex-girlfriend niyang si Ericka Villongco na kasama sa pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” na pinagbibidahan nina Iñigo Pascual, Sofia Andres at Julian Estrada mula sa Spring Films.

E, paano na ‘yung JaDine fans na umaasang magkakatuluyan sina James at Nadine Lustre? Teka lang, papasukin din ba ng ate ni Kim Chiu ang showbiz? In fairness maganda at sexy ang sister niya, huh?!

Pero totoo kaya ang kuwentong nakarating sa amin na single mom ang kapatid ni Kim? So, kung true ito, magiging instant tatay si James pag nagkataon.

Read more...