Ruffa mas mabenta pa rin sa mga foreigner

RUFFA GUTIERREZ AT JORDAN

RUFFA GUTIERREZ AT JORDAN MOUYAL

Sinasabi na nga ba at sa pagkakasundo rin mauuwi ang awayan ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Mahirap seryosohin ang mga kuwento ng hindi nila pagkakaunawaan dahil magkadugo pa rin sila.

Mag-aaway sila ngayon, pero anumang oras ay puwede rin silang magkasundo, hindi kayang tiisin ng ina ang kanyang anak.

Ngayon ay tapos na ang kanilang away, masaya na si Ruffa sa kanyang bagong boyfriend, si Jordan Mouyal na isang French-Israeli.

Pangbanyaga talaga ang beauty ni Ruffa, nagkaroon man siya ng mga karelasyong Pinoy ay mas nagiging seryoso ang pakikipagrelasyon niya sa mga foreigner, tulad ng ama ng kanyang mga anak na isang Turkish.

Dapat lang namang lumigaya si Ruffa, hindi niya naman pinababayaan ang kanyang mga anak, maayos naman ang kanyang karera at sa kanyang edad ngayon ay siguradong marami na siyang natututuhang leksiyon sa pakikipagmahalan.

Kuwarenta anyos na ang aktres, maraming hamon ng buhay na ang kanyang pinagdaanan, hindi man niya masasabing perpekto na ang kanyang buhay ngayon ay masaya pa rin siya dahil sa kanyang pamilya at mga anak na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

Harinawang magtagal ang kanilang relasyon ni Jordan Mouyal.

Read more...