Ina sakop ba ng PhilHealth?

AKO po si Ellen Zulueta ng Barangay   Balugo, Sta. Cruz, Marinduqe. Nabalitan ko po na covered na ng Philhealth ang lahat ng senior citizens.  Ang nanay ko po ay si  Mrs. Helen Zulueta ay isang biyuda.  Siya po ay 72 yrs. old na.
Ano po ang dapat naming gawin para mapasama sa beneficiary ng bagong programang ito na  ipatutupad ng Philhealth?
Anu-ano po ang  maaaring masakop ng kanyang benipisyo? Sana ay matulungan ninyo ako. Malaking tulong ito para sa aking nanay. Salamat po.
Ms. Ellen Zulueta

REPLY: Bb. Zulueta:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa Republic Act 10645 o Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens.
Nais po naming ipabatid na ang PhilHealth ay kasalukuyang gumagawa ng guidelines para sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Samantala, habang hindi pa nailalabas ang circular para rito, ang inyo pong ina ay maaring ideklarang dependent ng isa sa kanyang mga anak na aktibong miyembro ng PhilHealth.
Maaari rin siyang magparehistro bilang Lifetime Member ng PhilHealth kung siya ay may hulog sa PhilHealth at/o Medicare nang hindi bababa sa 120 buwang kontribusyon at walang trabaho upang makagamit ng benepisyo sa PhilHealth kung sakaling kailanganin.

Nawa ay amin pong nabigyang-linaw ang inyong mga katanungan. Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth maari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph at malugod po namin kayong paglilingkuran.

Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook:  www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa jbilog@bandera.ph,  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...