Magiging D.H. ba sa abroad? | Bandera

Magiging D.H. ba sa abroad?

Joseph Greenfield - November 20, 2014 - 01:33 PM

Sulat mula kay Ningning ng Sitio Dacudao,  Agdao, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay iniwan na ako ng kinakasama kong lalaki at tuluyan na siya sumama sa ibang baba, kaya sa ngayon ay mag-isa na lang akong bumubuhay sa dalawa naming anak. Para makaraos naglalabada ako at nagtitinda ng kung anu-anong puwede kong itinda. Wala akong puhunan, kaya maliit lang ang kinikita ko at kung minsan ay wala pa – gutom ang aking mga anak kaya napipilitan naman silang mangalakal. Sa ngayon ay balak kong mag D.H. sa abroad, dahil yong kumapre ko na D.H na sa ngayon sa Daubai nang umuwi siya ay naghahanap ng makakasama at ako raw ang irerekomenda niya sa amo nya. Tanong ko lang sana ay kung may pag-asa kaya akong maging D.H. sa abroad, nakatapos naman ako ng high school, para mapag-aral ko ang aking dalawang anak at mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan? August 28, 1986 ang birthday ko.
Umaasa,
Ningning ng Davao City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang at may maganda at malinaw na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa malapit na hinaharap basta’t lagi ka lang magdasal sa Poong Maykapal at wag mawawalan ng pag-asa, darating ang panahong matutupad mo rin ang iyong pangarap na makapag-abroad.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ace of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babaing maganda, matutupad ang pangarap mong maging Domestic Helper sa abroad.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending