Pacman malaking pambenta pa rin sa PBA; ulo pa lang tinitilian na

manny pacman

Kahit palaging inaalat ang koponan ng KIA sa PBA ay marami pa ring nag-aabang sa kanilang mga laro sa pag-asang makikita nila ang Pambansang Kamao sa hardcourt.

Naiintindihan naman ng ating mga kababayan kung bakit palagi silang bigong makitang nagbabasketbol si Congressman Manny Pacquiao, sa darating na Linggo na ang salpukan nila ni Chris Algieri, ‘yun ang focus ngayon ni Pacman.

Pagkatapos ng kanilang laban, panalo o anuman ang mangyari sa ipinagmamalaki nating kababayan, ay siguradong makikita na siyang lumalaro sa PBA.

Wala nang dapat ipag-alala nu’n ang kanyang coach, tapos na ang boksing, kaya sa basketbol naman magpapakaabala ang Pambansang Kamao.

Malaking atraksiyon sa PBA si Cong. Manny, ulo pa lang niya ang nakikita ng ating mga kababayan ay nagkakagulo na sila, bukod sa boksing ay magaling din sa hardcourt ang batang-GenSan.

Hangad namin ang muling pagtatagumpay ng Pambansang Kamao sa paghaharap nila ni Algieri, wala sanang mangyaring hindi makagaganda kay Pacman, isulat niya sana uli ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Na palagi niya namang ginagawa.

Read more...