Erap ginastusan ang ‘SENIOR PROM’ ng mga sikat, nag-throwback party

joseph estrada

NAGPA-PARTYang dating Presidente at Mayor ng Maynila ngayon na si Joseph “Erap” Estrada sa Sampaguita garden last Sunday. Inimbita ni Mayor Erap ang mga dating kasamahan sa trabaho especially his leading ladies for more than four decades niya sa showbiz

Marami raw ang dumating kaya naging masaya ang party  na inorganize ni Marichu Vera Perez Maceda na tinawag nilang “Senior Prom”. Tila “throwback party” ang nangyari dahil sa pag-alala ng mga pinagsamahan nila noon.

Feeling namin na-inspire si Mayor Erap na i-gather muli ang kanyang friends noong kabataan niya after watching his apo na si Julian Estrada sa “Relaks It’s Just Pagibig.” Na-imagine siguro ni Mayor ang sarili noong budding actor pa lang siya kay Julian na kasing intense rin niyang umarte sa “Relaks.”

For sure, proud si Erap kay Julian after watching “Relaks.” Nasulit siguro ang panonood niya kay Julian noong premiere night kahit na nga sinasabi na  kalahati na ng pelikula lumabas ang kanyang apo.

Very important din naman kasi ang role ni Julian sa movie. Kung proud si Mayor Erap kay Julian, na-shock naman ang anak nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Ejercito noong dumating ang kanyang lolo sa premiere night,  “Coz’ I didn’t expect him to come. But I invited him.

I didn’t expect him to come because he doesn’t watch films,” sabi sa amin ni Julian. Dasal ni Julian maging proud daw sana  ang kanyang lolo sa kanya. He feels blessed naman daw after watching his first teen role sa big screen.

May mga nagsasabi na mas mahusay na artista raw si Julian kesa  kay Sen. Jinggoy. “Well, we’ll see about that kasi this is just my first  movie,” ngiti ni Julian.

Pangako ni Julian, dadalhan niya ng copy ang daddy niya na nasa  Camp Crame  para  mapanood ang “Relaks.” So far, wala pa raw kasunod na movie project si Julian after “Relaks.” Tinapos daw muna niya ang kanyang pag-aaral.

Matagal na kasing  shinoot ni Julian ang movie. And after doing the film, nag-concentrate muna siya sa kanyang studies.
Meanwhile, sa party din na yun bumandera ang nanumbalik na kaibigan nina Erap at Superstar Nora Aunor, na nagkaroon ng “falling out” isang dekada na ang nakararaan.

Sabi ng dalawa, matagal na nilang ibinaon ang nangyari noon kaya okay na okay na sila uli ngayon. Kung matatandaan nag-public apology pa si Nora kay Erap noon at tinanggap naman ng dating pangulo ang kanyang sorry.

Read more...