Matteo kakaririn ang pagreregalo kay Sarah sa Pasko

sarah geronimo
Parehong excited sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa darating na Pasko – ito kasi ang kauna-unahang Christmas na magdyowa sila. Pero wala pa raw konktretong plano ang dalawa kung paano nila ito ise-celebrate.

Natanong si Matteo sa isang event kung ano ang Christmas gift niya kay Sarah,  “Kakaririn ko yung gift (ko para kay Sarah) siyempre. Pero wala pa, research-research pa. Hindi ko pa alam,” chika ni Matteo.

Sey pa ng binata, natutuwa siya na maayos na maayos ang relasyon ng pamilya niya kay Sarah, “They know each other na. Masaya naman, okay naman lahat. Siyempre boto naman. Mabait na tao siya, she’s a very nice person.

“My parents know best what’s good for me, ‘di ba? Okay naman lahat, masaya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya boto, tatanungin ko sina Mama at Papa mamaya,” sabi pa ng binatang aktor.

At tulad ng mga nakaraang panayam kay Matteo, tumanggi na itong magdetalye sa relasyon naman niya sa parents ni Sarah, lalo na sa mga tsismis na masyadong istrikto sa kanila ni Sarah.

Sagot nito, “Okay naman lahat. I don’t wanna say too much about my relationship dahil siyempre may mga bagay na gusto kong i-private pa. One day, malalaman ninyo…huwag na nating pag-usapan ‘yun.

Wala na ‘yun, basta, better to say nothing, ‘di ba?” Pero paglilinaw niya, hindi totoo ang mga chika na hindi sila masyadong nakakapag-date ng Pop Princess dahil kay Mommy Divine, “Siyempre girlfriend ko ‘yan, solo ko ‘yan, ‘di ba? There are ways naman.

If you love something or somebody, you will do everything it takes to protect and take good care of it.”

Read more...