Kailan magkakaroon ng trabaho? (2)

Sulat mula kay Ryan ng Matabao, Buenavistya, Agusan del Norte
Dear Sir Greenfield,
1.      Under graduate  po ako sa kursong HRM bale third year lang po ako ng ako ay mahinto at sa ngayon masipag naman akong nag-aaplay ng trabaho kaya laging sinasabi sa akin ay tatawagan na lang pero hindi naman po ako tinatawagan. Naawa na kasi ako sa misis ko na mag-isang kumakayod sa pagtitinda ng mga gulay at isda sa palengke para lang mabuhay ang aming apat na mga anak na sa kasalukuyan ang bunso kop o ay Grade 2 at high school na ang panganay namin. Itatanong ko lang po sana kung kailan po kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho at kung may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin na sa simulat-simula pa ng kami ay ikinasal ay naghihirap na po kasi kami.
2.      Balak ko po sanang mag-aplay sa abroad ang problema wala naman akong pera na pang ayos ng mga papeles. May guhit kaya ng pag-aabroad sa aking kapalaran at kung makapag-aabroad ako aasenso kaya ang buhay ko sa ibang bansa? March 28, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Ryan ng Agusan  del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre sa taong ding ito ng 2014 kung susubukan mo ng mag-aplay sa abroad, sa tulong ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Leo, susuwertehin ka.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing nakahanda na ang magaganap, kung mag-aaplay ka ngayong taong ito ng 2014 sa taong 2015 sa edad mong 33 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Saang lugar ka man mapadpad, ugaliin mong magsuot ng kulay na pula at dilaw upang lagi kang suwertehin at lalo pang gumanda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
May kanya-kanyang kapalaran ang bawat tao, maaaring kaya hindi ka matanggap ng trabaho dito sa ating bansa, dahil wala dito sa Pilipinas ang iyong magandang kapalaran. Ganon na nga ang magaganap, tulad ng nasabi na, kung ngayon palang ay mag-aaplay ka na sa abroad Ryan, sa tulong ng dalawang babae, (isang babaing Leo at isang babaing Libra) sa susunod na taong 2015 sa edad mong 33 pataas, itatala ang isang mabiyaya at mabungang pag-aabroad na magiging simula upang tuloy-tuloy ng umasenso at umunlad ang inyong pamilya.

Read more...