NAG-PARTY with the veteran stars si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa paanyaya ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada last Sunday.
Si Marichu Maceda raw ang nag-organize ng party para sa dating leading ladies ni Mayor Erap. Gusto raw kasi makita ni Mayor ang dati niyang partners at ilan pang mga katrabahong artista.
“Sa rami ng artista, Mare, na-starstruck ako. Kakatuwa, sobra!” sey ni Ai Ai sa amin.Tinanong na rin namin siya kung ano ang reaction niya sa balitang dalawang beses na X ng MTRCB ang trailer ng movie niya with Kim Chiu and Xian Lim, ang “Past Tense.”
Ang balita kasi namin, may ilang eksenang pinatanggal ang MTRCB sa trailer ng movie dahil medyo offensive daw ang mga ito. Hindi naman sinabi sa nasabing ulat kung anu-anong mga eksena ‘yun.
“Okey na, Mare. Umeere na ‘yung trailer. Isang eksena lang…‘yung nakapatong ako kay Xian kasi kinikiliti ko siya doon,” aniya. Dagdag pa ni Ai Ai, hindi naman daw offensive ang eksena, pero baka iba ang tingin ng mga taga-MTRCB.
Mabuti naman dahil ratsada na ang promo nila sa movie ngayon. Malapit na kaya ang Nov. 26 na playdate sa mga sinehan ng “Past Tense.”