ILANG beses kaming napaluha sa mga eksena ni Nash Aguas with Angel Aquino sa pinakabagong seryeng handog ng Dreamscape Entertainment na agad-agad ay isinalang sa Primetime Bida ng ABS-CBN kagabi pagkatapos ng TV Patrol, ang Bagito.
Si Nash ang lead character sa kwento na isang mapagmahal sa kanyang ina portrayed by Angel. And just like any other kid at his age, 14, na-in love siya not knowing that it will start to change his life.
Naiyak kami not because dumaan din kami sa na-experience ni Angel being a mom who has a 14-year old son na nagkaroon agad ng anak.
Pero kinurot ang puso namin on how the creative team of Bagito effectively showed ‘yung love between a mother and his son. Like ‘yung sa bonding ng mag-nanay, the closeness and love they have for each other na masusubok dahil sa isang matinding hamon sa buhay.
Sumisingit din sa aming isipan ang alaala na parang kailan lang ay nakakasalubong pa namin sa ABS-CBN ang “beybing-beybi” pa na si Nash na tumatakbo palapit sa amin para lang yumakap.
Natural kay Nash ‘yung pagiging malapit at matalas na pakikipagkilala sa kapwa. Ibang-iba siya sa sandamakmak na child stars na na-encounter namin sa showbiz.
Kaya may halong saya habang pinapanood namin si Nash sa Bagito. Bidang-bida siya sa isang malaking teleserye and was given a chance to portray a very challenging role na ginampanan noon nina Aga Muhlach, Mark Anthony Fernandez at JM de Guzman.
We would like to think na si Nash ang pinakabatang aktor na mabigyan ng role as a young father on screen. And in fairness, ang husay-husay ni Nash sa bawat eksena niya, whether be it with his friends, kay Angel na napakahusay ding aktres, with Ariel Rivera, with his loveteam na si Alexa Ilacad, maging sa “love scene” nila ni Ella Cruz.
Kasama rin sa Bagito ang tinitiliang young group ni Nash na Gimme Five, na binubuo nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez at Brace Arquia, sa direksyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.
Ang Bagito ay hango sa Wattpad series na isinulat ng best-selling autoher na si Noreen Capili.