Hindi pa handang pakasalan si Ynna Asistio
WALA pang balak magpakasal sina Mark Herras at Ynna Asistio at lalong wala pa silang balak magkaroon ng anak. Chika ni Mark, malayung-malayo pa raw sa kanilang mga plano ang bumuo ng sariling pamilya.
Ayon sa leading man ni Kris Bernal sa afternoon teleseryeng Hiram Na Puso ng GMA 7, wala pa sa priorities nila ni Ynna ang magkaroon ng pamilya, pero inamin niya na mas naging mature na raw ang relasyon nila ng anak ni Nadia Montenegro.
“Nakita kong mas naging positive ang outlook ni Ynna sa buhay, mas naging matatag siya at mature na mature na.
Minsan nga nagugulat ako kasi ang laki-laki na ng ipinagbago niya.
So, masasabi kong pati ang relationship namin, nag-iba na ang level,” kuwento ni Mark nang makachika namin nang one-on-one sa ibinigay na presscon ng GMA 7 para sa kanilang mga teleserye sa hapon, kabilang na nga ang Hiram Na Puso.
Medyo nabawasan na rin daw ang mga paninira sa kanila ni Ynna, “Kasi noon, hindi lumilipas ang araw na walang bumabaril sa amin, talagang binabaril kami ng mga intriga.
Pero ngayon, feeling ko, natahimik na rin sila. Siguro na-feel din nila na hindi nila kami kayang sirain ni Ynna.”
Uso ngayon ang buntisan sa showbiz, siya ba hindi natatakot na baka bigla rin siyang maging tatay? “Ayoko pa.
Huwag na muna ‘yun. Magtatrabaho na muna ako.
Tsaka ayoko ng pressure. Pero hindi ko sinasabi na ayoko ng responsibilidad, hindi pa panahon.
Marami pa tayong gustong gawin. Darating din ‘yan! Huwag n’yo naman akong pilitin. Ha-hahahaha!”
In fairness, puro papuri ang naririnig namin mula sa mga katrabaho niya sa Hiram Na Puso, lalo na sa partner niyang si Kris Bernal. Chika ni Kris, grabe raw ang dedication niya ngayon sa trabaho, kitang-kita raw ‘yun sa pagiging professional niya sa set.
“Ang sipag niya, talagang kapag dumating siya sa taping, handang-handa na siya kaya ang sarap magtrabaho, professional lahat ng mga kasama mo.
Tsaka kami ni Mark, mas naging close talaga dito sa Hiram Na Puso. Grabe ang kulit naming sa set. ‘Yun bang nakakapagbiruan kami na walang napipikon.
Nagsusuntukan pa nga kami niyan, e!” say ni Kris.
Mataas ang rating ng Hiram Na Puso na napapanood pagkatapos ng Eat Bulaga, kaya naman mas lalo pang pinagbubuti ng production ang kanilang trabaho.
Kasama rin dito sina Bela Padilla, Polo Ravales, Gina Alajar, Ayen Laurel at marami pang iba sa direksiyon ni Andoy Ranay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.