DELIKADO ang pagbubuntis ni Cristine Reyes. Dinugo pala siya kamakailan kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa niya ngyon para maging healthy ang kanyang unang baby.
Ayon kay Cristine, nagdesisyon siyang aminin na ang kanyang kundisyon para na rin sa kanyang anak at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya, lalo na sa ama ng bata na si Ali Khatibi, isang Filipino-Persian mixed martial arts fighter.
“Kasi right now, andito na ako sa stage na I’m sure na, 100 percent safe ako and our baby. I made sure na safe muna kami. Because nu’ng first three months ko po na akala ng lahat ay nagtatago ako, critical po yung stage ko,” unang paliwanag ni Cristine sa inteview ng The Buzz.
“Advice ng doctor kailangang bed rest po ako, ’cause nagkaroon ako ng bleeding, and kailangan kong alagaan ang sarili ko. Yes, hindi po ako nagwu-work and all,” aniya.
Inamin din ni Cristine na pinlano nila talaga ni Ali ang magka-baby agad kahit hindi pa kasal, “We’re happy, kasi it was planned. And it’s not a surprise, actually. First test namin, first day, morning yun.
Akala namin negative pa so na-sad kami.“Nu’ng gabi, nag-test ulit kami, positive na. And then after that, ang inuna namin ay yung family namin… Family first. They were happy and excited,” kuwento pa ng aktres.
Dugtong pa niya, “Una kong sinabihan (na buntis ako), well kaming dalawa ni Ali ang magkasama, nag-pregnancy test kaming dalawa.”
Hindi ba siya natatakot na tuluyang mawasak ang career niya dahil sa pagbubuntis niya ngayon? “Yes, pero confident naman po ako kahit ano pong mangyari, babalik at babalik po ako.
Kasi, I know andiyan po ang ABS for me, lahat ng Kapamilya natin and hindi rin po ako pababayaan ng Viva. “And sa akin kasi, Tito Boy, ano e, I’m happy and contented now sa lahat ng nagawa ko, lahat ng na-achieve ko sa buhay ko and sa career ko.
So right now, wala naman po akong winu-worry,” aniya pa. Sumasailalim na ngayon sina Cristine at Ali sa marriage counselling, “In preparation po for the marriage and para meron po kaming heads up kasi hindi lahat kailangang ikakasal na agad. Kailangan meron kang knowledge about it.”