Francis M. nagmumulto kay Maxene : Laging ko siyang napapanaginipan !

maxene magalona

Sa ginanap na presscon ng Dream Dad ay isa-isang tinanong ang cast na sina Zanjoe Marudo, Jana Agoncillo Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta at Gloria Diaz kung ang tatay o kinalakihan nilang ama ay masasabing dream dad din.

Sagot ni Zanjoe, “Siguro dahil sa experience ko (sa tatay) kaya ako nakakaarte ng tatay kahit wala pa naman akong anak. Kasi ‘yung time na ibinigay ng tatay mo noong bata ka pa, importante noong maliit ka pa, kasi lahat ng gagawin mo noong bata pa kami kahit tumanda na, hindi mo makakalimutan ‘yun, bitbit mo lagi ‘yun at ipinagyayabang mo sa mga kaibigan mo.

“Kailangan mong mag-invest talaga sa umpisa habang maliit pa kasi importante ‘yun, kasi kapag pangit ‘yung naumpisahan kahit pa anong gawin mo, kahit anong regalo pa ibigay mo, pag lumaki na ‘yung bata, mahirap ng habulin,” pahabol pa ni Zanjoe.

Si Maxene naman ay sobrang proud sa tatay niyang si Francis Magalona, “Sobrang proud ako sa daddy ko and tingin para mas magandang tatay, ‘yun nga time and maging kaibigan ng mga anak mo, ganu’n ang daddy ko kaya proud na proud ako sa kanya, inspirasyon ko siya at talagang dream dad ko siya kasi sa panaginip ko na lang siya nakikita at lagi ko siyang napapanaginipan at parati siyang nasa puso ko.”

Sagot naman ni Beauty, “Ako naman, tama po talaga na you have time with your children, at ‘yun ang nakuha ko sa daddy ko which is pareho tayo (Maxene) I’ll be dreaming of him na lang kasi he passed away na and most importantly, yung connection n’yo, open ‘yung relationship n’yo kasi kapag maganda ang relasyon n’yo, you get to have many memories din.”

Sabi naman ni Yen, “Ang daddy ko po talaga ang dream dad ko at proud ako na siya ‘yung daddy ko dahil siya ‘yung protector ko, kasi babae ako so pag may mga nanliligaw sa akin na boys, kapag sinaktan ako, sa kanya kop o sinasabi, and he’s very responsible rin sa family.”

Feeling namin ay lumalaban pa rin sa Miss Universe nang sumagot si Ms. Gloria Diaz, “Dream dad should be a good provider aside from that, he has to be a role model.

He can be the richest dad, give you the fanciest car, but if he didn’t show that he’s honest, that he’s respectable, that he’s honorable whether be a politician or a karpintero, whatever, he has to be a good role model because whether you’re a man or a woman or child, you have to have someone you look up to, not just a good provider.”

Read more...