MARAMI pang gustong gawin sa kanyang showbiz career si Iza Calzado kaya wala pa sa plano niya ang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
“I don’t see it yet happening anytime soon. It’s not that I don’t think it’s gonna happen, pero iniisip ko pa ‘yong trabaho, e. Sobrang trabaho pa ang focus ko ngayon,” sabi pa ni Iza sa farewell/thanksgiving presscon ng seryeng Hawak Kamay na magtatapos na nga this week.
“There are still things that I still want to do. But it doesn’t mean na hindi ako magkakaroon ng pamilya. I want to have a family, especially sometimes may mga kasama kang mga bata.
It warms your heart, it makes you want to have a family,” esplika pa ng aktres. Ganito rin daw ang pananaw ng dyowa niyang si Ben Wintle sa isyu ng pagpapakasal, “Siguro, pareho pa kami, that my boyfriend is not yet very ready.
Siguro baka hilaw pa kung minadali, parang ang pangit naman no’n,” aniya pa. Samantala, mag-e-expire na ang kontrata ni Iza sa ABS-CBN sa January, 2015 at sana raw mag-renew uli siya sa Dos, “Pero depende pa talaga kung saan ako dadalhin ng buhay ko next year.
“It depends on what ABS-CBN will be giving for next year. I need to find out what’s going to happen. But of course, I’d want to stay. I hope that they will still want me to be in ABS-CBN because I certainly wish to stay,” pahayag pa ni Iza Calzado.