Speaking of Zaijian Jaranilla, umaasa ang batang aktor na pagkatapos ng serye nila ni Piolo Pascual na Hawak Kamay ay mabigyan na siya ng chance na makasama sa teen show ng ABS-CBN.
Natanong kasi ang bagets sa farewell presscon ng Hawak Kamay kung may susunod na project siya, “Wala pa pong project pero sana po ay mayroon po. Pero gusto ko po sana ay teen show pero kahit ano po ang ibigay sa akin ay okay po ako, ready na.”
At kung makakasama nga siya sa isang young-oriented show gusto niyang maka-loveteam si Andrea Brillantes na kasama rin niya sa Hawak Kamay, “Si Andrea po, kasi po mas kumportable na kami sa isa’t isa.”
Inamin din niya na, “Nagulat po ako, ngayon ko lang nalaman. Dati po kasi crush na crush ko rin siya (Andrea). At nagulat ako na crush niya rin ako.”