Malaking isyu pala ang hindi pagdalo ni Ronnie Liang sa premiere night ng indie film niyang “Estorika” na kasama pala sa Cinema One Originals, noong Nob. 9.
Sariling pelikula raw ni Ronnie ay hindi niya sinuportahan kaya nairita raw ang producer at direktor ng “Estorika”. Ipinaalam naman daw kay Ronnie na may premiere night ang Cinema One Originals, pero umalis pa rin daw ang singer patungong ibang bansa.
Sabi sa amin ng isang source, “Mas inuna pa niya mag-abroad kaysa sa promo ng pelikula niya. First pa naman niya ito.”
Naka-chat namin si Ronnie sa Facebook at tinanong namin agad ang siya tungkol dito, “Nandito po kasi ako sa US para sa mga ilang engagements.
Na-inform po ako on the day before my flight. “Hindi ko naman po puwedeng i-cancel ang flight ko kasi inaasahan din po ang pagdating ko doon (Amerika).
“Ayoko naman pong hindi siputin ang premiere night, siyempre movie ko po ‘yun at excited nga ako kasi may nagtiwala sa akin, kaso last minute nap o kasi ako nasabihan,” sabi ng binata.
Darating daw si Ronnie sa Nob. 24 at handa siyang magpaliwanag tungkol dito at maski raw gusto niyang habulin ang natitirang araw ng film festival ay hindi na rin pupuwede.
Gayunpaman ay labis na nagpapasalamat si Ronnie sa Trex Production, “Sa direktor kong si direk Elwood Perez, sa Cinema One and Viva sa support and pagtitiwala po nila sa akin.”