Robin masarap katrabaho, walang sumpong

ROBIN PADILLA, BB GANDANGHARI AT ROMMEL PADILLA

ROBIN PADILLA, BB GANDANGHARI AT ROMMEL PADILLA

Tutukan na nga ang ginagawang paghahanda ng magkakapatid na Padilla sa gagawin nilang sitcom sa TV5, ang 2 ½ Daddies, na pagbibidahan nina Rommel Padilla, BB Gandanghari at ng host ng Talentadong Pinoy na si Robin Padilla.

Madalas namin silang nakikita ngayon sa Reliance Building ng TV5 habang nagraradyo kami. Isa-isa silang dumadaan sa tapat ng radio booth na salaminado kaya hindi sila nakalalampas sa aming paningin.

Gusto lang naming ipaabot kay Robin Padilla ang mga papuri sa kanya ng aming mga kapatid na nakakatrabaho niya sa Talentadong Pinoy.

Sabi ng isang anak-anakan namin, “Sana, lahat ng artista, e, kasingsarap katrabaho ni Binoe. Magaan kasi siyang katrabaho, walang sumpong, napakahusay pa niyang makisama. Sobrang love namin si Robin.”

At kitang-kita ang kasiyahan ng kanyang production staff kapag taping ng Talentadong Pinoy, masigla ang lahat sa studio, walang stress.

“He comes on time, pareho sila ni Mariel (Rodriguez), nasa dressing room lang muna siya para pag-aralan ang gagawin niya.

Pagkatapos nu’n, kinikilala na niya ang mga contestants, hindi siya papayag na hindi niya muna makakaharap ang contestant bago sumalang sa laban,” kuwento naman ng isa pang staff ng Talentadong Pinoy.

Ang pagiging propesyonal at marespeto ni Robin Padilla sa kanyang mga katrabaho ang dahilan kung bakit kahit bagsak-bangon siya ay nananatiling nasa itaas ang kanyang pangalan.

Read more...