Sey Mo Billy…Coleen Garcia sasabak na sa hubaran, bibinyagan ni Ejay Falcon

COLEEN GARCIA AT EJAY FALCON

COLEEN GARCIA AT EJAY FALCON

Nagsimula na rin si Ejay para sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network. Nagti-taping na raw siya para sa Passion de Amor. Hinintay lang daw nila si Jake Cuenca na makabalik from Spain para mag-resume sila ng taping.

“Opo, nakabalik na po siya. Kahapon team building namin at ngayon may taping sila. Inuna ‘yung mga girls. Siguro kami next week na,” banggit ng aktor.

Ang “girls” na tinutukoy niya ay sina Arci Muñoz, Ellen Adarna at Coleen Garcia na siyang leading lady ni Ejay.

Ibig sabihin, magpapaseksi na rin si Coleen? Alam ba ‘to ng dyowa niya na si Billy Crawford? Baka pagselosan siya ni Billy lalo pa’t “super sexy” ang tema ng serye nila? “Hindi lang naman ako ang magpapakita ng katawan. Marami  kami at matagal nang pinaghandaan ‘to.”

Dahil matagal  niyang pinaghandaan ang Passion kaya confident naman daw siya sa kanyang katawan para makipagsabayan kina Jake at sa tatlong girls. Sa first quarter ng 2015 pa ipalalabas ang Passion de Amor sa Kapamilya network.

Read more...