Nash nabuntis si Ella…pero si Alexa ang talagang mahal

NASH AGUAS, ALEXA ILACAD AT ELLA CRUZ

NASH AGUAS, ALEXA ILACAD AT ELLA CRUZ

KUMPIRMADO na nga bossing Ervin, eere na ang seryeng Bagito ni Nash Aguas sa Nob. 24, Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Nakumpirma namin ito sa isang source, at ang magiging timeslot daw ay pagkatapos ng Forevermore na papalit naman sa timeslot ng Hawak Kamay. Kung gano’n, hindi pala ang Flordeliza ang kapalit ng serye ni Piolo Pascual dahil ang Pure Love raw ang papalitan nito na huling gabi na ngayon.

Anyway, base sa trailer gaganap na batang ama si Nash, sa edad kasing katorse ay nabuntis niya si Ella Cruz. Akala ni Nash ay in-love siya kay Ella dahil flirt ang role nito kaya natukso siya, pero si Alexa Ilacad pala ang talagang mahal niya.

Malaking hamon ito kay Nash kung paano gagampanan ang pagiging batang ama.

Mas bata pa nga ang dating Goin’ Bulilit star kina Aga Muhlach na gumanap ding batang ama sa pelikulang “Miguelito” at JM de Guzman sa seryeng Angelito.

Bukod kina Nash, Ella at Alexa ay kasama rin sa serye sina Ariel Rivera at Angel Aquino sa direksyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment.

Read more...