NAGUGULUHAN po ako dahil ang pagkakaalam ko ang employer ang nagbabayad para sa Employees Compensation Commission o ang ECC .
Isang araw ay nag –verify ako sa SSS at may binabanggit sila na may kaltas para sa ECC. Tama po ba eto? Gusto ko rin po na itanong kung ano ang benefits na makukuha sa ECC.
Umaasa akong masasagot ninyo ang
aking katanungan.
Jenny dela Cruz
REPLY: Gusto ko lang linawin ang katanungan ni Ms. Jenny, tama na ang employer ang nagbabayad ng EC premium. Ang ibinabawas naman ng SSS na employees share ay napupunta sa benefits sa ilalim ng SSS law.
Nagkataon lamang na ang SSS ang nangongolekta nito pero ibinabawas naman sa mga employer.
Sa iyo namang katanungan sa beneipisyo na maaaring makuha dito, sakaling maaksidente, magkasakit o mamatay ang isang manggagawa na miyembro ng SSS o GSIS ay may kaakibat na benepisyo na maaaring makuha sa ECC ngunit kinakailangan na work related o may kinalaman sa trabaho ang sanhi nito.
Ang coverage ng Employees Compensation Program (ECP) ay nagsisimula sa unang araw ng trabaho. Ang ECP ay isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang compensation package sa mga manggagawa o dependents ng manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan o kamatayan.
Atty. Jonathan
Villasotto
Asst. Director
Employees
Compensation
Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.