Serye nina Enrique at Liza number 1 sa ratings game

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

Patamis nang patamis ang tagumpay ng hit romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore. Patunay dito ang pagiging number one nito sa listahan ng most-watched TV programs nationwide ng Kantar Media noong Martes (Nob. 11).

Nakamit rin ng serye nina Enrique Gil at Liza Soberano ang national TV rating na 30.2%, ang pinakamataas na nakuha nito mula nang umere noong Oktubre. Ang Forevermore Step Up episode na naging worldwide trending topic rin sa Twitter ay 17 puntos na mas mataas kumpara sa nakuhang 13.2% ng katapat nitong programa.

Samantala, ngayong magka-partner na sina Agnes (Liza) at Xander (Enrique) para sa kanilang dance number sa Strawberia Festival, nagkaroon ang dalawa ng pagkakataong muling kilalanin ang isa’t isa. Mapanatili kaya nila ang mabuting samahan kahit hanggang matapos ang festival? Ang naranasang hirap sa La Presa na ba ang magiging susi sa positibong pagbabago ni Xander bilang anak at bilang tagapagmana ng Hotel Grande?

Patuloy na tutukan ang Forevermore, gabi-gabi pagkatapos ng Hawak-Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...