Madlang pipol mas kinampihan si Julian kesa kay Julia Barretto

JULIAN ESTRADA AT JULIA BARRETTO

JULIAN ESTRADA AT JULIA BARRETTO

May nag-text sa aking writer at ang sabi’y hinayang na hinayang siya sa pelikulang “Relax It’s Just Pag-Ibig” starring Iñigo Pascual, Sofia Andres, Ericka Villongco and Julian Estrada.

Napakaganda pa naman daw ng film at ang huhusay umarte ng mga bata, lalo na sina Julian at Iñigo na ang guguwapo rin daw sa screen. Refreshing kumbaga ang kanilang presence sa pelikula. Kaya lang nag-pull out daw sa ilang sinehan dahil walang masyadong tao. Muntik na raw mag-pullout sa isa pang sinehan pero mabuti na lang at nagkatao by 7 p.m..

Iñigo is the typical boy-next-door na very sweet and charming. All that this boy wants is to spend more time with his dad Piolo na missed na missed daw niya. Kasi nga, sa US based ang binatilyo dahil doon ito nag-aaral and yes, palagi naman siyang dinadalaw ng kaniyang daddy Piolo roon pero he feels siguro na kulang na kulang ang quality time nila together.

Si Julian naman ay very honest, for us, hindi pagiging taklesa ang pag-amin niya about his past with Julia Barretto ha, nagpakatoto lang siya. Ano naman ang masama kung sinabi niyang naging sila ni Julia for six months? Kaya hindi dapat mag-violent reaction ang OA namang Julia Barretto.

Papasok-pasok sa relasyon hindi naman pala mapanindigan. Wala namang sinabing masama si Julian about her ah, inamin lang niya na naging sila for a while dahil na rin sa kakukulit ng entertainment press. Hasus ang batang Julia na ito.

Kungsabagay, kung ang ama nga niyang si Dennis ay nakuha niyang itakwil, ang ex-boyfriend pa kaya niya? Ke-bata-bata pa marunong nang magsinungaling.

Anyway, we are hoping na magklik pa rin ang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” kasi nga napapanahon ito para sa mga bagong sibol na natututong magmahal.

Read more...