Kim umamin sa tunay na relasyon nila ni Xian: Pwede naman!

xian lim
When Kim Chiu was asked kung nasa past tensem present tense o future tense si Xian Lim, her leading man in her latest movie “Past Tense”, she dropped hints na puwedeng maging sila ng binata.

“Wala siya sa past tense, nasa present or future siya,” say ni Kim. When asked kung gaano kaliwanag ang future for them, Kim said, “Siyempre, ako kasi hindi ako ‘yung tipo ng taong iniisip ko na ‘yung future ko.

Siyempre ‘pag nag-expect ka na parang kunwari nanalo ka ng lotto, ‘Oy, alam ko mananalo ako sa future ng lotto,’ pero hindi naman ako nanalo, parang nakakalungkot na i-expect ko ‘yung dapat na mangyari sa future, e, ang Diyos ang may alam no’n.

“Ako masaya ako sa nangyayari sa akin. Iyon nga ‘yong ino-nourish ko, ino-nurture ko and ite-treasure ko,” she added.
As the movie dwells on past relationships, natanong rin si Kim on how she deals with her past.

“Siguro nabubuhay ako sa katagang ‘everything happens for a reason’. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung walang dahilan. May dahilan si God kung bakit pinagdadaanan mo ito.

Siguro para i-prepare ka niya para sa mangyayari in the future,” esplika niya.

Read more...