Sharon kay Mommy Elaine: Sayang nga, nagpapayat na ko…namatay ka naman!

sharon cuneta
GENEROUS at pagiging vanidosa  ang paulit-ulit na narinig naming description ng mga kaanak at kapamilya ng mommy ni Sharon Cuneta na si Elaine Gamboa Cuneta sa kanilang mga eulogy during the necrological service sa wake nito.

Noong Martes ay inihatid na si Mrs. Cuneta, or Mommy Elaine sa mga taga-showbiz, sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Sharon revealed during her eulogy na Eleanor pala ang tunay na pangalan ni Mommy Elaine. She was named after President Franklin Roosevelt’s wife na si Eleanor Roosevelt.

Eldest si Mommy Elaine sa siyam na magkakapatid, six ang sisters niya at meron siyang dalawang brothers. Nandoon ang mga sister ni Mommy Elaine headed by Helen Gamboa-Sotto na very close sa mommy ni Sharon.

Noong 11 years old pa lang  si Sharon she taught she’d lost her mom na kasi may breast cancer pala si Mommy Elaine. Tapos nagpaopera ito.

Estudyante that time si Sharon sa St. Paul’s Pasig tapos may pinuntahan siya na simbahan at nag-volunteer na maging Bible reader sa mass. Nag-volunteer siya para gumaling ang mommy niya.

Narinig naman daw ang dasal niya at gumaling si Mommy Elaine. In-acknowledge naman ni Sharon ang ibang anak ng daddy niya na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta na dumating sa last night ng wake ni Mommy Elaine.

Pinuri rin ni Mega ang namayapa na rin na first wife ni Mayor Cuneta bilang pinakamabait na stepmother. Kwento ni Mega, engaged na that time si Mommy Elaine sa kanyang boyfriend noong makilala siya ni Mayor Cuneta.

Pero pinili  raw ni  Mommy Elaine ang kanyang daddy. At nakaka-amaze naman when Sharon said na hindi  na pala nag-asawa ‘yung ka-engaged dati ni Mommy Elaine.

And you know what? Andoon din siya sa last night ng wake ni Mommy Elaine and Sharon acknowledge his presence.
“But I know for sure, after years na nagsama sila ni Daddy, wala na siya talagang minahal kundi si Daddy.

And when Daddy passed away, umiyak siya sa akin and she said, ‘Totoo pala, totoo pala na iba ang Daddy mo.  At wala ng ibang magmamahal sa akin like your Daddy.’  Daddy used to tell her.

“So, I grew up kahit na medyo unconventional ang setup ng  pamilya namin. I never taught na parang hindi kami normal, we never felt that. And as my favorite cousins say, and my daughter says, and my second dad Tito Sen (Tito Sotto) says, napaka-generous niya.

Tingin ng tao, generous ako. Hindi ninyo kilala ang parents ko. They are hundred thousand times more generous,” lahad ni Sharon. Kapag meron daw bagyo noon, meeron silang parang assembly line sa bahay.

Nakaupo sila sa sahig at may nagsasalok at naglalagay ng bigas sa sako tapos iikot ‘yun ilalagay ‘yung mga lata ng sardinas at kung anu-ano pa. “Tapos parang wala lang, walang big deal.

That was part of our lives. Lumaki kaming ganoon. Sa amin, very normal ‘yun. Parang siya talaga  ang nanay sa Pasay noon. Nagbibigay siya ng relief goods sa mga tao tapos hinahanap nila, ‘Asan si Sharon?’”

Nasa tabing area naman daw siya at namimigay ng kendi na binili niya out of her savings sa mga batang tulad niya, “Sinasabi ko po ‘to because I want you to know that’s how my mom taught us,” sabi pa niya.

Kanya nga raw kapag sinabi nila na ‘Kumain ka na’ sa bisita, pagpapakita  raw nila ‘yun nang pagmamahal. At  kapag naghanda naman daw ng pagkain ang parents niya laging parang last supper.”

“And KC is right, gusto ni Mommy ‘yung nilinis ‘yung mga kubyertos sa kanyang long dining room with her girls na naka- proper uniform. And then, she would do, kapag meron kang tinatawag na secret love, phone pal, ‘yung mga sulat hindi mo iiwan kung saan-san lang.

Gusto niya lagi nagdye-general cleaning. Pag-uwi mo parang ospital ang kwarto mo, ang linis-linis. “Kaya nga siguro noong lumalaki ako as similar as my eldest daughter KC to my mom, tawag nga ni Kiko (Pangilinan), ‘Tingnan mo ang mag-Lola, isputing (bihis na bihis).

Talagang my mommy would tell me na huwag ka ngang lalabas ng bahay na, artista ka ano ba? Wala ka man lang kolorete.’”
“Ang ibig niya pong sabihin lipstick.  Ako naman, wala akong pakialam.

Kasi vain siya, ako hindi. I think natakot ako, e, kasi lahat ng ano niya, parang sa takot ko siya I don’t want to be like her.
“Ngayon nagsisisi ako kasi kung vain ako, e, ‘di forever akong slim.

Hindi ako tumaba. Nagpapayat na ulit ako. Namatay ka naman mommy. Hindi mo man lang nasilayan,” biro pa ni Mega.
Sayang nga raw at wala na si Mommy Elaine dahil ayon nga kay Sharon, malapit na siyang mapanood ulit ng kanyang fans sa TV and hopefully, sa pelikula.

Read more...