Rain or Shine nakalusot sa Globalport

IPINASOK ni Paul Lee ang dalawang krusyal na free throws may apat na segundo ang nalalabi sa laro para tulungan ang Rain or Shine Elasto Painters na maungusan ang Globalport Batang Pier, 86-83, sa kanilang 2014-15 PBA Philippine Cup game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

May pagkakataon pa sana ang Batang Pier na ihatid ang laro sa overtime subalit sumablay ang 3-pointer ni Alex Cabagnot para maitakas ng Elasto Painters ang panalo.

Bunga ng pagwawagi, umangat ang Rain or Shine sa 4-2 kartada.

Read more...