Kaloka naman itong si Mo Twister.
Akalain n’yo bang pati ang itinapon na unan ay kanyang pag-interesan.
Sa Twitter namin nalaman na kinuha niya ang isang pillow na itinapon na sa basurahan.
“True story: saw a pillow in the trash kanina & picked it up. sayang, Tempur siya.
Am using it in bed tonight,” tweet ni Mo.
Kaloka siya, ‘di ba? Ano ‘to, basurero, ‘na!? Hindi mo naman masasabing naghihirap na siya, ‘no, para gawin ‘yon.
Siguro ay nanghinayang lang siya.
Sayang nga rin naman at saka baka napagtripan lang niyang kunin ito.
Anyway, tuwang-tuwa si Mo sa newly-acquired “Hunger Games” jersey niya. In fact, ito na ang kanyang gamit na photo sa kanyang Twitter account.
READ NEXT
Arabo, gising; tayo, zzz
MOST READ
LATEST STORIES