Sino nga ba ang mag-aakala na ang napakamahiyaing si Julian Estrada pala ay papasok din sa pag-aartista? Totoong nasa dugo naman nila ang pag-arte pero hindi si Julian ang inaasahan ng mga kaibigan ng pamilya Estrada na papalaot sa mundong mahal na mahal ng kanyang lolo at ama.
Pero heto na nga si Julian, may sariling grupo na ng mga tagahanga, magaling na siyang umarte ay may maipagmamalaki pang talento sa pagtugtog ng gitara, pagkanta at pagsayaw.
At tama ang obserbasyon ng mga nakakakita sa young actor, pamatay ang kanyang itsura, maganda ang resulta ng produkto nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.
Pagpansin naman ng isang kaibigan namin, “Very intriguing ang pagiging silent niya, may mystery, kaya mas gusto mo siyang i-discover.”
Napakaagang nasalang sa kontrobersiya ni Julian Estrada dahil sa pag-amin niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Julia Barretto na tumagal nang anim na buwan.
Ipinababawi ‘yun sa kanya ng kampo ng young actress, pero hindi pumayag si Julian, dahil nagpakatotoo lang naman siya sa kanyang sarili at sa publiko.
‘Yun ang lalaki. May balls.