Ai Ai umamin sa naging sakit: Nagkaroon ako ng bell’s palsy!

aiai delas alas

Napaiyak ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang batiin siya ng happy birthday sa presscon kahapon ng latest movie niyang “Past Tense” under Star Cinema kasama sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ai Ai just turned 50 yesterday kaya medyo emosyonal siya. Ayon kay Ms. Ai, napaluha siya dahil na-touch siya sa mga taong bumati sa kanya sa video na ipinalabas bago mag-start ang presscon, lalo na kay tito Boy Abunda, “Nag-usap lang kasi kami, binati niya ako. Tapos nakita ko siya sa video.

“Kasi alam n’yo na-stress ako nu’ng magkasakit siya, tapos nu’ng makita ko siya sa video na okay na siya, maganda na uli siya. Natutuwa ako na okay na ang health niya,” chika pa ng komedyana.

Ibinalita rin ni Ai Ai na two weeks ding dumaan sa pagsubok ang kalusugan niya, “Oo, nagkaroon kasi ako ng bell’s palsy, buti nga dalawang linggo lang siya tumagal kasi yung iba, talagang matagal.

So, praise the Lord talaga. I’m okay na at sabi ko nga isa lang ang natutunan ko sa nangyari. “Sinabi ko sa sarili ko, chill lang ako. I-enjoy lang ang mga pinaghirapan ko.

Peace lang, ganu’n, pero hindi naman sa drug addict, ha! Ha-hahaha!” Ayon kay Ai Ai nakuha niya ang nasabing sakit sa stress, “But more on init, lamig. Sabi kasi ng doktor, du’n nag-trigger, yung nasa mainit kang lugar then papasok ka sa malamig.

Akala ko nga, sa matatanda lang yun, pero doktor na ang nagsabi. Yung nerves mo  face ang affected.” Samantala, excited na si Ai Ai sa bagong movie niya sa Star Cinema, ito ngang “Past Tense” na showing na on Nov. 26 nationwide, directed by Mae Cruz.

Puring-puri niya ang loveteam nina Kim at Xian sa pelikulang ito at sinisiguro niya sa madlang pipol na sulit na sulit ang ibabayad ng mga manonood sa “Past Tense”.

Read more...