John Prats tuloy na ang paglipat sa GMA

john prats
Si John Prats pala ang tinutukoy sa blind item na lilipat na sa GMA 7 para tuluyan nang makasama ang fiancée na si Isabel Oli na contract artist ng nasabing network.

Naikuwento sa amin ng isang taong malapit kay John na hindi na pala magre-renew ng kontrata sa Kapamilya network ang actor-dancer.

“Nagtanong kasi si John kung ano ang new projects niya sa ABS-CBN kapag nag-renew siya ng contract, e, sinagot raw siya ng ‘as of now, walang new project for you.’

“Bukod dito ay hindi na rin yata siya ire-renew ng ABS kaya tinatapos lang ang kontrata niya saka lilipat sa GMA. Nauna na nga si Iya Villania, di ba? Iisa ang manager nina Iya at John, si Arnold Vegafria,” sabi sa amin.

Ang tanong lang, ano na ang mangyayari sa Banana Nite at Banana Split kapag nawala si John? May ipapasok daw bang new character o tsutsugihin na ang mga nasabing programa.

Sabi pa sa amin, “Timing nga kung sakaling aalis si John sa ABS kasi di ba, next year na ang kasal nila ni Isabel, e, di tiyak, GMA pa ang makikinabang sa kasal dahil sa kanila ieere.”

Read more...