Maegan: Wala akong pakialam sa inyo ! keber ko!

maegan aguilar

WALANG pakialam si Maegan Aguilar sa mga masasamang salita na ibinabato sa kanya ngayon ng madlang pipol matapos siyang bugbugin ng live-in partner kamakailan.

Sa halip kasi na kaawaan at bigyan ng simpatya ng publiko sa masaklap na sinapit sa kamay ng kanyang boyfriend na si Ali ay nilait at inokray pa si Maegan ng bashers.

May mga nagsabi pa na dapat lang daw na mabugbog siya dahil wala siyang kuwentang anak. “Kahit mahusgahan ako ng kung sinu-sino, wala akong pakialam sa inyo.

Sa mga nagsasabi sa akin na, ‘Karma ‘yan, kulang pa ‘yan,’ keber ko sa inyo. It’s not for you, it’s for Ali to realize the extent of his violence when he goes into his blackout state,” ani Maegan sa interview ng ABS-CBN na ang tinutukoy ay ang pagiging bayolente raw ng ka-live in lalo na kapag lasing.

Nang tanungin kung mahal pa ba niya ang lalaki, “Mahal, pero kasi love is not enough. It’s not enough. I can let him go. I can. But, of course, sayang.

The most painful kasi is that he was the love of my life, and he said the same about me. And when it all came down to him and me, naging punching bag ako.”

“Lagi akong kawawa, eh. Ako ‘yung kawawa. Even with my father (Freddie Aguilar) it’s the same. I just take it all in hanggang sa ending, sa huli, ako ang etsapwera,” hirit pa ng rock singer.

Wala nang planong magsampa ng kaso si Maegan laban kay Ali, pero makikipag-usap na siya sa kanyang abogado para sa hihinging financial support sa dating partner para sa kanilang mga anak, lalo na ngayong mag-isa na lang siyang magtataguyod sa mga bata. Ayaw na raw kasi talaga niyang makipagbalikan.

“I’m not going to take another chance with him. Tapos na, eh. Tama na ‘yung mga nang-aapi sa akin, tama na ‘yung mga nantatapak sa akin. Hindi ko na kayo uurungan ngayon.”

Sa tanong kung hihingi ba siya ng tulong sa kanyang tatay na si Freddie, “I can’t and I won’t, kasi, sorry, they’re probably celebrating right now because of this tragedy in my life.

That’s what I think. Maybe masaya sila, kasi ang tingin nila dito, ‘Karma ito sa kanya.'”

Read more...