Jed Madela napikon, nagbanta pang ‘SISIRAIN’ sa stage sina Sarah at Erik?

jed madela
MARAMI kaming reklamong naririnig laban sa premyadong singer na si Jed Madela.

Kahapon, nabasa ninyo ang ilan sa mga ito, kabilang na ang isyu tungkol sa pagtawag diumano ni Jed ng “unggoy” sa ilang staff ng ASAP matapos na tanggihan ng production ang kagustuhan niya. Itinanggi naman ito agad sa amin ng singer.

Bukod dito, nabanggit din sa amin ng isang source ang isang insidente sa ASAP kung  saan narinig itong si Jed habang kausap ang production staff na “hahawiin” daw niya sina Sarah Geronimo at Erik Santos sa production number nila noong Aug. 24 episode ng programa.

Kuwento sa amin, “Sa August 24, ASAP episode, mainit na ulo niya (Jed) kasi bakit di daw siya isinali sa broadway production nina Tanya Manalang, Leo Valdez, Joana Ampil, Gary V, e, world class naman daw siya.

Ang reason daw sa kanya ng mga taga-ASAP, ‘parati kang isinasali sa broadway medley kaya pahinga ka na muna.’ “Instead, ibinigay sa kanya ang album launch ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Sarah and Erik, to sing ‘Hanggan’.

“Sa band rehearsal, hinihingi niya na mag solo sa last part kasi di naman daw kayang kantahin nina Erik at Sarah at hindi pumayag ang ASAP dahil dapat trio sila kaya dapat trio sa ending, then sabi niya (Jed), hahawiin niya lang daw sina Erik and Sarah sa production na ‘yun,” tuluy-tuloy na kuwento sa amin.

Na-shock naman si Jed sa isyung ito, “I really don’t know where this issue came from. In ASAP, whatever prod is given to us, ‘yun po ang inaaral namin at ginagalingan para gumanda.

“For the longest time, people know me as a team player especially when we do prod numbers. We work together para gumanda ang prod and I would never steal the spotlight from anyone.

Kung solo prod yun, game! Pero kung group prod ‘yun, we perform as one. “With regards sa prod numbers, we can request from the staff of ASAP kung ano mga prod na gusto namin gawin at naibibigay naman minsan.

I never demand for anything or any special treatment. Pantay pantay kami lahat sa show. “ASAP has lots of artists at mahirap ilagay lahat sa isang show. Bitin ang oras.

Na explain na sa amin at naintindihan naman namin yun. “Di madali ang trabaho nila to give prods to everyone. Sana kung sino man ang gumagawa ng issue, tigilan na at di nakakabuti sa working relationship namin ng ASAP lalo na pag may mga misunderstandings,” mahabang paliwanag ni Jed.

Dagdag pa niya, “It never happened, wala ako sinabing ganyan, and I would never such a thing. “Di hamak na mas magaling si Sarah sa akin! She is a total performer!

And Erik is also an amazing singer, so it would never even cross my mind na isipin at sabihin na mas magaling ako. “Sana ‘wag na lang ako gawan ng kuwento na di naman totoo, nakakasira lang sa akin at sa relationship ko with ASAP.

I love them like family,” ang sabi pa ng singer. Baka naman kasi nagkakabiruan sina Jed at kausap nito at hindi naging malinaw sa nakarinig ang terminong “hahawiin”.

“Kahit biruan po, I would never say that I am better that anyone else.  That is just so wrong,” sangga kaagad ni Jed. Binanggit namin sa nagpadala ng mensahe sa amin ang mga sagot ni Jed, “Parang hindi naman ganu’n ate Reggee, kasi iba talaga ugali ni Jed, maraming nakakarinig sa mga reklamo niya sa ASAP.

“Sino ang tinutukoy niyang bunch of monkeys? Mga taga-ASAP, di ba?  Kasi sila ‘yung kausap ni Jed,” mariin pang sabi ng  source.

Sa pagkakaalam namin, mukhang okay na si Jed at ang ASAP business unit head na si Ms. Joyce Liquicia dahil nagkausap na raw nang masinsinan ang mga ito.

Read more...