MMFF entry ni Vice lalabas na pangit kung…

vice ganda
Pabalik na ng Pilipinas ang box-office director na si Wenn Deramas from his one-week vacation sa US.  Pagdating niya sasabak agad siya sa shooting ng “Praybeyt Benjamin 2.”

Gaya ng sabi niya, wala ng kaechosan dapat para ma-delay pa ang shooting nila or else, lalabas na ‘di maganda ang movie.
Tama lang na harapin na agad ni Direk ang shooting ng “PB2″ na official entry sa MMFF this year.

‘Yung ibang entries nga, e, ratsada na sa shooting almost everyday gaya ng “Feng Shui 2” nina Kris Aquino at Coco Martin.
May balita pa kami na ‘yung movie ni Robin Padilla na “Bonifacio” ay tapos na niyang i-shoot at nasa post-production na sa ibang bansa, huh!

‘Yung movie naman ni Vic Sotto with Ryzza Mae Dizon ay nagsimula nang magpa-interbyu sa set. At doon pa lang ay nag-claim na ang isa sa tatlong director ng pelikula na si Joyce Bernal na ang movie nina Vic at Ryzza ang number one.

Sa sinabi ni Direk Joyce, inalam naman namin kung ano ang reaksyon dito ni Direk Wenn. “Ah, sabi niya? Hintayin niya,” may pagbabantang biro ni Direk Wenn.

Pahabol pa ng direktor, “Ahh! Baka naman ibig niyang sabihin, kasi trilogy  ‘yun, so, number one ‘yung kanya. Ha-hahaha!”
Biniro namin si Direk na simula na ito ng “madugong” awayan nila ni direk Joyce, “Hindi, dyosko!

Kung alam mo lang na mahal na mahal ko si Bernal. Kakakita lang namin sa Trinoma. Nanood silang mag-ina, manonood pa lang ako.”

Wala raw awayan o tarayang magaganap  sa kanila ni Direk Joyce, “Wala kaming ganoon. Kung trabaho, aayusin namin ang trabaho namin. Kung kumita, sobra akong masaya for her.

“At kung kikita ang pelikula ko, masaya ‘yun for me. Ako si Cathy (Garcia), si Inang (Olivia Lamasan), pare-pareho kaming masaya sa naa-achieve ng bawat isa,” esplika niya.

Read more...