Jinkee Pacquiao laging ‘naninigas’ ang leeg
SABI nga nila, you cannot have it all. For a while maaaring you feel on top of the world pero once na magsimula nang maningil ang Panginoon, magugulo talaga ang utak mo at maraming pagbabagong dapat mong harapin.
This doesn’t exempt Cong. Manny Pacquiao.
Akala siguro ng mga taong nakapaligid sa kanya (including himself) ay wala nang makakatibag sa kanyang estado because of the enormous wealth and fame na nakakabit sa pangalan niya.
There was even a point na parang diyos na ang tingin sa kanya ng iba.
Kasi nga naman, undisputed boxing champ siya for so many bouts, na-sustain niya ang kasikatan that gave him so much money.
Yung family niyang halos hindi nakakakain nang matino noon ay mga astang donya na to the max.
Signature bags here and there, Louis Vuitton and Hermes left and right and that feeling na wari mo’y hindi na sila kinakagat ng lamok or nakakakain ng maliliit na isda.
Sabi nga natin, ganyan talaga ang buhay, sinwerte sila kaya nai-enjoy ang super luxurious comforts sa buhay and look at Jinkee, parang may stiff neck na nga, di ba?
Parang hindi na marunong lumingon literally and figuratively – kasi nga, she is now a congressman’s wife and her husband is not just filthy rich, very influential pa sa buong mundo.
Pero wait, the journey is not yet over.
Kinakalabit na si Pacquiao ng Diyos. Pumapasok na siya sa mga panaginip ng bosingero that led him to his Bible addiction.
Napakaganda na rin in some ways kaya lang, seems like Pacman doesn’t walk his talk.
Pinangangalandakan niyang masyado raw siyang connected ngayon kay Lord and he does Bible study regularly – and that his Bible reading has changed his life – hindi na raw siya nambababae (Ows!), nagsusugal and what nots.
Kung hindi na nga siya nambababae, e, sino kaya yung nakitang magandang girl na kasama niya sa Maxims Hotel (near Resorts World) two weeks ago? Balita sa akin, he occupied a room that costs like P93,000 plus sa said hotel. True nga kaya ito?
“Baka nag-one-on-one sila sa Bible reading. Or friend lang niya iyon. Baka business partner or what.
With so much money that he has, he can afford to rent a very expensive suite or even buy, di ba?
Basta my sister saw Manny na nag-check in doon.
Kung sino man yung girl, we don’t really know,” anang isang kaibigan natin.
Wala namang masama kung nag-check in si Manny sa Maxims Hotel or anywhere on earth basta ba malinis ang kunsensiya niya.
Hindi porke may kasama siyang ibang babae (kung totoo mang hindi si Jinkee yung kasama niya, huh!), ay may affair na sila? O, pwede rin namang si Jinkee talaga iyon at inakala lang nilang ibang babae dahil nga ibang-iba na ang itsura ngayon ng misis ni Pacman, di ba?
Tsaka, kung totoo mang gusto na talagang magbago ni Cong. Manny Pacquiao – yung sinasabi niyang hindi na siya mambababae pa – hindi naman ganoon kadali siguro iyon.
Let’s give him enough time to really change, unti-unti. Pero hindi ko rin alam, ha. Kasi hindi naman ako nambababae. Ha-hahaha! Sa panlalalaki pa siguro.
Pero mahirap ding tigilan talaga. Maaaring nasasabi ko minsan na ayoko nang manlalaki o magsugal pero hanggang salita lang.
Pag nandiyan na, mahirap umayaw! Ha-hahaha! Ganu’n din siguro ang napi-feel ni Papa Manny?
Ang chika, super bwisit daw si Manny sa tax evasion issue hurled against him.
Hindi naman daw kasi siya tax evader kaya nagagalit siya, he lost daw some millions of dollars in terms of endorsements abroad dahil sa malisyosong paratang sa kanya ng BIR.
“Kung inayos nila agad ang papeles niya sa BIR, wala sanang isyu.
Kasalanan din naman nila ng lawyers and accountants niya, ‘no!
Kung meron man siyang dapat sisihin kung bakit may lumabas na ganitong isyu sa kanya sa BIR ay ang mga taong humahawak ng finances niya.
Akala niya kasi, porke si Manny Pacquiao siya at nakakapagbigay ng karangalan sa bansa ay exempted na siya sa tax problems. Ano siya, super special?
“Kailangang ayusin na niya agad yan para hindi siya mapagbintangan.
Kongresista siya, di ba? Dapat alam niya ang batas.
Iyan ang mahirap kasi sa kanila, papasok-pasok sa politika, hindi naman alam ang batas.
Hindi porke sikat ka at may pera ibig sabihin ay puwede ka nang maging mahusay na politiko.
Hindi porke nagbibigay ka ng maraming bahay at pera sa TV show mo ay magaling kang public servant.
“No! In fact, you are encouraging pa nga katamaran sa mga kababayan mo, pinaaasa mo sila nang pinaaasa na ang buhay ay puwedeng suwerte-suwerte lang.
Hindi mo na sila ini-encourage na magbanat ng buto para mabuhay.
Hindi tama iyon. Okay ang tumulong pero ang paasahin na lang sila sa buhay ay ibang istorya iyon.
Manny, Willie Revillame and their likes are not inspiring people to work harder, umaasa na lang sila sa swerte,” anang isang analyst-friend namin.
inkee Pacquiao laging ‘naninigas’ ang leeg