KAPAG bago ang motorsiklo, importante na maayos ang pagkaka-break-in.
Pero bakit nga ba kailangan na i-brek-in ang motorsiklo?
Ayon kay Larry Pajarillo, mekaniko at may-ari ng RB Motor Shop and Accessories sa Caloocan City, importante na ma-break-in ang motorsiklo upang maging suwabe ang takbonito sa mga darating na araw.
Kailangan kasing lumapat ang piston ring at piston upang maganda ang maging performance ng motorsiklo.
Sa mga motorsiklong may barbula katulad ng mga 4 stroke, pinapalapit din ang barbula ng mga ito.
Kailang ang tamang pag-break-in Sabi nga ng kasabihan, lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon. Kaya maging sa pagmamaneho at kahit sa pagbi-break-in ay kailangan din ng timing.
Ang kagandahan nga lang sa break-in, kahit anong panahon ay puwede ito.
Subalit higit na mainam na gawin ang break-in sa umaga o kaya sa gabi dahil parehong malamig ang panahon.
Base pa kay Pajarillo, iwasan ang mga trapik na lugar sa pag-break-in dahil mas malakas mag-init ang motorsiklo lalo na sa mga air cooling type.
Kahit na sa mga water cooling ay kailangan din ang hangin upang lumamig ang radiator na pinaglalagyan ng tubig.
Iwasan iharurot agad ang motorsiklo dahil masikip pa ang piston ring ng mga ito at posibleng mag-overheat agad.
Pinakamainam na hindi lalampas ng 60 kph ang bilis ng motorsiklo kapag under break-in upang huwag mapuwersa.
Kapag umabot na sa 600 kilometro na ang natatakbo ng motrosiklo at suwabe na ang menor ay tapos na ang break-in ng motorsiklo.
Sa mga motorsiklong balak gawing tricycle ay paabutin hanggang 1,200 kilometro ang naitatakbo bago kabitan ng sidecar.Epekto ng maling break-in.
Posibleng sa mga susunod na na mga araw ay puwedeng makaranas ng overheat ang makina at magiging hindi maganda ang takbo nito.
Malamang din na magkasingaw ang barbula sa mga 4-stroke namagiging dahilan ng pagpalya ng motorsiklo at pabago-bag ang magiging menor.
Kailangan din i-break-in ang mga lumang motorsiklo kapag pinalitan ng piston at piston ring upang lumapat ang mga ito.
ISA ka bang motorcycle rider? Nagta-tricycle o talagang hilig lang ang pagmomotorsiklo? Abangan tuwing Miyerkules ang Bandera Motor Section na ginawa para sa iyo. May tanong o suhestyon, i-text ang inyong pangalan, edad at lugar at mensahe sa 09178052374 or mag email sa banderamotor@yahoo.com