Driver ka rin ba? (Part 14)

ALAM mo ba na ang paglalagay ng nakasisilaw o stainless sa harap o likod ng sasakyan ay bawal at ito ay may multang P500?
Ang kargamentong lumabis sa width ng sasakyan ay may multang P500.  Ang axle overloading at may multang P300 at 25% pa ng halaga ng kargamento.
Nakapinta sa gilid ng trailers ang allowable gross weight, kaya’t madaling makukuwenta ang labis na karga kapag ang trak ay tinimbang sa pagpasok ng mga expressway.  Kapag malaki ang labis na karga, hindi papayagang makapasok ng expressway ang trak, bukod sa multa at porsiyento sa kargamento.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo.  Sundan bukas.  Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 25, 2009

Read more...