Wattpad Presents ni Mark Neumann sa TV5 umariba sa rating

mark neuman
Ang Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody pala ang highest-rated episode ng programa simula nang umere ito ilang linggo na ang nakararaan. Ito ay pinagbidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae, parehong produkto ng Artista Academy.

At dahil nga rito, kaya nag-decide ang TV5 na gumawa agad ng Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody (Part 2) kung saan makakasama na nina Mark at Shaira Mae si Yassi Pressman bilang ex-girlfriend ng karakter ni Mark na siyang manggugulo sa relasyon nila ni Shaira Mae.

“Of course, sobrang masaya and sobrang nagpapasalamat, kasi nga successful yung una. “Hindi namin nagawa yun without the help of sa mga supporters and the people behind the cameras,” sey ni Mark nang makapanayam ng press.

In fairness, mas dumami pa ang fans ng binata simula nang umere ang episode nila.  “Nagulat ang lahat kasi po nag-trending po siya, mataas po yung ratings.

Kaya sobrang blessed lang kami and nagpapasalamat lang kami,” kuwento pa ng binata. Ayon pa sa Kapatid star, “Sa book 2, medyo malalim na, ‘tapos nag-mature na po yung characters and medyo may agawan na.

May pumasok na bagong character, yung dating girlfriend ko. And may arranged marriage na mangyayari kasi ayaw ng father nung girlfriend ko (Shaira Mae), so there’s gonna be conflict.”

Kaya sa lahat ng fans nina Mark at Shaira Mae, pati na rin ni Yassi, abangan n’yo na lang ang part 2 ng  Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody (Part 2) sa TV5.

Read more...