Teleserye ni Marian kasama ang Korean superstar pautot lang

marian rivera

TALAGANG makikilala mo ang fans kapag merong issue sa kanilang idol. Laugh kami nang laugh when many Marian Rivera fans were rejoicing because of reports that their idol will be doing a South Korean drama kasama ang sikat na sikat na Korean actor na si Hyun Bin.

Super clap ang mga supporters ni Marian dahil finally meron nang international show ang kanilang idolo. Ang article na lumabas sa The Philippine Pride ay parang totoong-totoo.

Kumpleto ito ng detalye like the gist of the story. Kuwento raw ito ng isang Pinay na na-in love sa isang Korean star. Meron pa raw pinagpilian for the role, nakasama raw sa mga nag-audition sina Maja Salvador, Anne Curtis, Kim Chiu and Angel Locsin.

Say pa sa article, nakilala si Hyun Bin sa mga soap niya tulad ng My Name Is Kim Sam-soon, Secret Garden, Snow Queen at A Millionaire’s First Love.

Fans of Marian took the article as is and believed what is written about their idol. Paniwalang-paniwala sila na makakasama nga ng dyowa ni Dingdong Dantes ang sikat na sikat na Korean actor.

Nagmukhang mga bobo ang fans dahil hindi nila alam na satire website lang naman ang The Philippine Pride kung saan pinaglalaruan ang mga sikat na celebrities ng bansa.

Ay naku, ano ba naman itong mga supporters ni Marian, tila hindi nag-iisip. Bakit naman magkakaroon si Marian ng soap with a very popular Korean actor, eh, ni hindi nga siya kilala ni Hyun, ‘no!

Kawawang mga fans, tila napaglaruan. Super happy pa naman ang mga bobita sa pag-aakalang hindi na talaga maabot ang idol nila dahil meron itong soap with a top Korean actor.

Anyway, nasa Dubai sina Dingdong at Marian kasama ang mga alalay nila para makipag-meeting kay Michael Cinco na siyang magdadamit sa aktres sa kanyang wedding kay Dingdong sa December.

Michael and Marian posted photos of their meeting. Napansin lang namin, tuwing merong special occasion na ganito ay tila hindi nakakalimutan ni Marian na bitbitin ang kanyang Hermes bag, ha.

And mind yah, kasama ang signature bag palagi sa mga photo-op.

Read more...